|
||
|
PETITCHEF |
Add your blog-site | Add your recipes | Receive daily menu | Contact us | |
Si ykaie na antukin!
Well, actually, hindi talaga sya antukin pero mahilig syang magpigil ng antok nya kaya naman kung saan-saan sya nakakatulog. Noong isang araw ay nanggaling ako sa shop at magtitimpla sana ng kape. Pumasok ako sa bahay at pagbukas ng pinto ay tawa ako ng tawa sa nakita ko. Tinawag ko pa si sis para makita nya..hehehe.
Si ykaie na pagkadungis-dungis pa ay natutulog sa sahig! Kasama pa yung mga flag ng Dora na pinaglalaruan nila ng mga pinsan nya kanina. Hala, kung saan inabutan ng antok ay doon na lang ipinikit ang mata. Naloka naman ako. Noong isang linggo naman ay inip na inip na sya habang hinihintay akong matapos mag-toothbrush at maghilamos. Aba, nakita ko na lang na namamahinga na sa may hagdan habang hawak ang dede nya...hahaha.. July 2010 Naalala ko tuloy last year, may mga pagkakataon na nakatulog din sya habang naglalaro ng computer at habang nasa department store cart.May 2010 Eto pa ang isa, nakatulog ulit pagkatapos gumising...hahaha.. Saan-saan na naman kaya ito makakatulog this year???
related searches : Ykaie
|